Isang Mensahe Mula Sa Pandaigdigang Komite ng Pangasiwaan ng Edison (Edison International Managing Committee)
Ang Pandaigdigang Komite ng Pangasiwaan ng Edison (Edison International Managing Committee) ay nagpadala ngayon ng paalalang ito sa ating mga pangkat sa buong Edison International, Southern California Edison at Edison Energy. Kabalikat natin ang komunidad ng Asian American Pacific Islander at hindi mag-aalinlangan sa pagsasapamuhay ng ating mga pinahahalagahan ngayon at palagian.
Pangkat Edison,
Hindi natin maaabot ang ating ganap na potensiyal bilang isang lipunan nang hindi iginagalang at inuunawa ang dibersidad ng ating mga komunidad. Ang mga pinahahalagahan ng ating kompanya ay nagkakaloob ng isang pundasyon upang maparangalan ang dibersidad, ang pagkakapantay-pantay, at ang inklusyon.
Ang nakakalungkot, hindi natin nakikita ang mga naturang pinahahalagahan na ipinamalas sa mga bahagi ng ating komunidad at sa buong bansa. Ang mga trahedyang kaganapan na naka-apekto sa mga kasamahan nating Itim at sa mga miyembro ng komunidad noong nakaraang taon ang nagpaalala sa bansa na ang kawalan ng katarungan kaugnay ng lahi ay nagpapatuloy at nag-udyok ito ng isang pambansang talakayan tungkol sa kung paano tayo dapat kumilos nang mas maayos. Simula noon, nagkaroon na ng isang nakakagambalang pagtaas sa karahasan laban sa mga Asyano kasunod ng pagpasok ng pandemyang COVID-19, at kailangang hindi mawala ang pagsasaalang-alang natin sa bagay na ito bilang isang lipunan.
Kabalikat natin ang ating mga kasamahang Asian Pacific Islander bilang isang kompanya at bilang mga indibidwal laban sa lahat ng uri ng pagkapoot, kawalan ng pagpaparaya at diskriminasyon.
Ang isang ulat muna sa Stop AAPI Hate, isang pambansang inisyatiba na nakapagtunton na ng poot laban sa mga Asyano at sa diskriminasyon sa U.S. sa panahon ng pandemya, ay nakapagdokumento ng 2,808 na mismong kaganapan laban sa mga Asyano mula Marso hanggang Disyembre ng 2020. Bagaman mabibilang na isang-katlo lamang ang bilang ng nasa California mula sa kabuuang populasyon ng Asian Pacific Islander, 44% ng mga nadokumentuhang insidente (1,226) ang nangyari sa ating estado. Ang nakaka-alarma dito, sa bilang na 126 ay nasangkot ang mga Asyano Amerikano na higit pa sa 60 taong gulang.
Ang kabatiran ay kailangang sabayan ng aksyon. Bagaman kinikilala natin na ang mismong pera ay hindi nakakalutas ng mga problema, tumutulong naman ito talaga sa pagpopondo ng mga organisasyon na sumusubaybay at tumutugon sa krisis.
Ang Edison International ay magkakaloob ng higit pa sa $100,000 sa taong ito sa mga organisasyong hindi naglalayong kumita o non-profit nang may isang tukoy na pagtuon sa rasismo at diskriminasyon na laban sa Asyano. Dagdag pa rito, ipinagmamalaki nating sinusuportahan sa taong ito ang Asian Pacific Islander Business Resource Group ng SCE, ang ASCEND, na nagmungkahi ng ilang mapagkukunan at isang gagamitin para sa pakikipag-ugnayan o link upang makapag-ulat ng insidente sa labas ng trabaho o upang maka-aksyon para sa rasismong laban sa Asyano o sa mga krimeng bunga ng poot: stopaapihate.org. Naririto ang ilang mapagkukunan mula sa labas na iminungkahi ng ASCEND:
Huli sa lahat, ang helpline ng ating Programang Tulong sa Empleyado (Employee Assistance Program – EAP) ay magagamit sa loob nang 24 na oras isang araw, pitong araw sa isang linggo. Makakakita kayo ng impormasyon tungkol dito sa Portal.
Nangangako kaming maninindigan kasama ninyo laban sa mga magtatangkang saktan at paghiwa-hiwalayin tayo. Ipagpatuloy natin ang pagmamalasakit sa bawat isa at manatili pong maging ligtas.
Pedro J. Pizarro, Edison International President and CEO
Kevin M. Payne, SCE President and CEO
Adam S. Umanoff, Edison International Executive Vice President and General Counsel
Caroline Choi, Edison International and SCE Senior Vice President, Corporate Affairs
Drew Murphy, Edison International Senior Vice President, Strategy and Corporate Development
Jacqueline Trapp, Edison International and SCE Senior Vice President and Chief Human Resources Officer
Maria Rigatti, Edison International Executive Vice President and Chief Financial Officer
Steven D. Powell, SCE Executive Vice President, Operations